Republika ng Pilipinas
Departamento ng Edukasyon Rehiyon - III Gitnang Luzon Division ng paaralan ng Tarlac Province
Cardona National High School Gerona, Tarlac
Isang Pananaliksik tungkol sa Ugaling pagliban ng mga Estudyante Tuwing Araw ng Biyernes sa Paaralan ng Cardona National High School sa Taong
2019 - 2020
Isang pananaliksik na Iniharap para kay
Aldrin A. Gandola
Bilang pagtupad sa pambabahaging pangangailangan sa asignaturang pagsulat at pagbasa (filipino)
Ikalawang Pangkat
Danry Yap Saez
Kaye Hazel Yadao
Freddielene N. Alvarez
Lani Gamis Gragasin
Janila E. Sapuay
Sarah Jemah Ancheta
Enero 2020
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang "Ugaling Pagliban ng mga Estudyante Tuwing Araw ng Biyernes sa Paaralan ng Cardona National High School(CNHS). Na inihanda ng pangkat mula sa Grade 11 Ehrenreich bilang bahagi ng katuparan sa proyekto sa asignaturang Filipino.
Ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Filipino.
Aldrin A. Gandola
Guro
Dr.Alexander R. Amigo
Punong Guro
PASASALAMAT
Taus-puso po ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa mga taong walang sawang sumusuporta, tumulong at gumabay para sa ikatatagumpay ng pag - aaral na ito. Gustong bigyan ng pasasalamat ng aming pangkat, sa mga inspirasyon at mga manunuri sa poong maykapal na siyang nagbibigay ng tatag at lakas sa lahat. Sa kaniyang pag-iingat at paggabay sa mga gawain araw-araw at sa mga biyayang walang hanggan na siyang nagunguna na naging dahilan ng mga nilalang na mananatili sa mundong kanyang nilikha.
Sa mga magulang ng mga mananaliksik sa walang sawa sa pagsuporta sa pag-aaral at pagbibigay sa lahat ng suportang moral, maging pinansyal, upang makapanaliksik ng maayos at para maipagpatuloy ang aming pag-aaral.
At higit sa lahat sa pinakamamahal, kagalang-galang at mabait guro ng mga mananaliksik na si G. Aldrin Gandola, na walang sawang gumabay sa mga manunuri sa pag-aaral sa asignaturang Filipino. Gayundin sa bawat kasapi ng pangkat na nagbibigay at nagbuhos ng oras at pagod upang ang pananaliksik na ito ay maisakatuparan.
Malugod din na nagpapasalamat ang mga manunuri sa lahat ng mga naging daan upang makamit nito ang pangunahing layunin na magawan ng isang pananaliksik ang naidudulot ng sabay-sabay na gawain sa mga mag-aaral. Sa malaking tulong ng makabagong teknolohiya at internet sa lahat ng website na makakatulong. Hindi magiging imposible ang proyekto kung wala kayo kaya sana ay inyong tanggapin ang aming pasasalamat, tunay na malaki ang aming utang na loob sa inyo. Pagpalain sana kayo ng Diyos sa maykapal ng masaganang buhay.
Talaan ng Nilalaman
Pamagat
Dahon ng Pagpapatibay …………………… I
Pasasalamat …………………………….II
Talaan ng Nilalaman ……………………III
Talaan ng Talahanayan …………………. IV
Talaan ng Pigura ……………………. V
Kabanata I:
Introduksyon ……………………… 1
Saklaw at Delimitasyon ……………… 2
Kahalagahan ng Pag-aaral ………………... 2
Paglalahad ng Problema ……………... 3
Depenisyon ng mga Termino …………… 3
Kabanata II:
Kaugnay na pag-aaral at Literatura............ 3
Kaugnay sa pag-aara .................... 3
Kaugnay sa Literatura .................. 4
Kabanata III:
Disenyo ng pananaliksik ……………… 4
Metodolohiya at Paglaganap ng mga Datos
Iskwala at Kwaplipikasyon ng Dato.…... 5
Istatistikal na Tritment ng mga Datos…... 5
Kabanata IV:
Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos
Pagsisisayat. ....................... 5
Unang pagsisisayat ........................... 6.
Ikalawang pagsisiyat ........................ 7
Ikatlong pagsisiyat. .......................... 8
Kabanata V:
Lagom, Konklusyon at mga Rekomendasyon…………… 12
Lagom ……………………. 12
Konklusyon ……………………. 12
KABANATA I
Panimula O Introduksyon
Sa pananaliksik na ito ay mas lalo nating mapag aaralan kung ano ba ang dahilan ng mga estudyante kung bakit sila ay lumiliban sa klase tuwing araw ng biyernes. Matatalakay din sa pananaliksik na ito kung ang dahilan ba ng mga mag aaral ay kaaya – aya o hindi, kaya’t mahalaga ang pananaliksik na ito, lalo nat sa mga estudyante na kagaya naming mananaliksik.
Sa pananaliksik na ito ay aming pinagbatayan kung ilang estudyante ang kadalasang lumiliban tuwing araw ng biyernes kagaya na lamang ng walomput siyam (89) na mag-aaral mula sa ika-pitong baitang.Tatlumput anim (36) na babae at limangput tatlo (53) na lalaki mula sa tatlong iba’t ibang hanay ng mga ikapitong baitang.
Sumunod naman ang tatlumpong (30) mag-aaral mula sa ikasampung baitang na amin ding hiningan ng opinion ukol sa kadalasang pagliban. Labinlimang(15) kababaihan at labinlimang(15) kalalakihan (15) na mula naman sa seksiyon ng Ruby.
Higit sa lahat ay ang aming mga kaklase na mula sa ikalabing isang (11) baitang kami ay kumuha ng apatnaput anim(46) na respondente. Dalawangpung(20) babae at dalawangput anim (26) na lalaki na nagmula naman sa tatlong hanay nag ABM,HUMSS at STEM.
Isa pa na matatalakay sa pananaliksik na ito ay matutukoy rin kung ano ang maaaring maging bunga ng kanilang ugaling pagliban sa klase tuwing araw ng biyernes. Dahil alam naman natin na lahat ng ating ginagawa ay mayroon itong bunga na kalalabasan. Ngunit kadalasan ay hindi maganda ang kinalalabasan nito marahil narin sa mas nauubos ang oras ng mga lumiliban sa mga bagay na wala namang kabuluhan kagaya ng pagtambay sa iba’t ibang lugar na kung minsan ay dahilan din ng kanilang ikinapapahamak.
Binigyan pansin narin ng pananaliksik na ito ang tanong na kung bakit nga ba kadalasan ay tuwing araw ng biyernes ang kanilang pagliban. Dahil nahihirapan din ang mga guro at laging nababagabag sa tuwing darating na ang araw ng biyernes ay iilan na lamang ang papasok at halos kalahati na ang liliban. Isa rin sa mga bibigyang sagot ng pananaliksik na ito kung paano namin matutulungan ang mga guro na mairaos ang problema ng mga pagliban na ito.
Layunin ng pananaliksik:
Layunin ng pananaliksik na ito ay ang maunawaan ang dahilan ng ugaling pagliban ng mga estudyante tuwing araw ng biyernes sa paaralan ng Cardona National High School (CNHS).
Nais rin naming ipagbigay alam at isaalang-alang ang malalim na kadahilanan ng mga estudyante kung bakit kadalasan ay tuwing araw ng biyernes ang kanilang pagliban
Layunin din ng pananaliksik na ito ay maunawaan at mabigyan ng magandang programa upang maresolba ang problema ng pagliban sa klase at makapagbigay babala sa masamang idudulot ng kadalasang pagliban sa klase.
Nais din namin na maisakatuparan ang mga pangarap ng mga estudyante na kagaya namin. Kaya’t bilang kami ang naatasan na manaliksik ay nararapat lamang na ibigay lahat ng aming makakaya upang mas mapabuti pa ang kagaya namin na may pangarap din.
Ang mga mananaliksik ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na mga katanungan:
A) Ano ang bunga ng ugaling pagliban ng mga estudyante
tuwing araw ng biyernes sa paaralan ng CNHS.?
B) Ano ang maaaring dahilan ng pagliban ng mga estudyante tuwing araw ng biyernes sa paaralan ng CNHS.?
C) Bakit kadalasang lumiliban ang mga estudyante tuwing araw ng biyernes. ?
D) May maganda kayang naitutulong ang kanilang pagliban sa kanilang mga magulang?
E) Ano-anu kaya ang mabuti at masamang epekto ng ganitong gawain sa kanilang mga kaguruan?
F) Sapat kaya ang ginagawa ng mga guro upang matugunan ang mga problema ng pagliban ng mga estudyante?
G) Sapat din ba ang gabay ng mga magulang upang masulosyonan ang problemang ito?
Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay mag sisilibing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:
Sa mga Mag-aaral – makakatulong ang pananaliksik na ito upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman ukol sa masamang bunga o epekto ng madalas na pagliban sa klase lalong – lalo na sa araw ng biyernes dahil kadalasang nagbibigay ng pagsusulit ang mga guro sa araw na ito. At makakatulong ang pananaliksik na ito upang magsipag ang mag aaral na magpatuloy at iwasan na ang pagliban sa klase.
Sa mga Guro – malaking tulong ang pananaliksik na ito upang mabigyan sila ng kaunting kaalaman na mismong nanggaling sa aming kapwa mag aaral. Mas magkakaroon ng kaalaman ang mga guro kung paano masusulosyonan ang pagliban sa klase. Makakatulong din itong pananaliksik na ito upang malaman din ng mga guro ang tunay na dahilan ng pagliban ng mga estudyante tuwing araw ng biyernes sa paaralan ng CNHS.
Sa mga Magulang – ang mga magulang ay isang malaking parte ng pananaliksik na ito bilang unang guro ng kanilang anak ay makakatulong ito upang makapag – isip sila kung ano ba ang nararapat na pag – uugali ng kanilang anak, sa loob man ng paaralan o sa labas.Makakatulong din itong pananaliksik na ito upang sa loob pa lamang ng paaralan ay natutuhan na ng kanilang anak ang kahalagahan ng edukasyon para sa kanilang magandang kinabukasan.
Sa mga Administrasyon- makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang maaari nilang ibahagi sa mag-aaral tungo sa wastong pag-aaral at mahikayat ang mga estudyante na iwasan ang pagliban at magkaroon sila ng dedekasyon na mag aral ng mabuti para sa kanilang matagumpay na kinabukasan.
Saklaw at Limitasyon
Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay ang mga mag aaral na mula sa mataas na antas na paaralan ng Cardona. At malalim nilang dahilan ng pagliban sa klase. Masasaklaw din ng pananaliksik na ito kung ano ang ginagawa ng nga magulang sa kanilang anak matapos nitong lumiban ng madalas
Kabanata II
Kaugnay na pag-aaral at Literatura
Kaugnay na pag-aaral
Ang pagliban sa klase ay isa sa mga nakakaapekto sa pagtatamasa ng edukasyon ng isang bata. Ayon sa pananaliksik, upang malaman ang kaugnayan ng school attendance at performance, napag-alaman at sinabi ni Cohn, isa sa mga mananaliksik na ang pagpaliban sa klase ay nakakabawas sa kakayahan, partisipasyon at kaalaman ng bata. Maraming dahilan ng pagliban sa klase ng isang bata at kadalasan sa mga ito ay dahil sa lokasyon, kasarian at gastos.
Ang lokasyon ay nagbibigay kontribusyon sa pagliban o hindi pagpasok ng mga bata sa paaralan. Halimbawa na lamang, sa mataas na bahagi ng India , nakararanas sila ng malalang kondisyon ng panahon na tumatagal ng pitong buwan kaya nama’y ito’y nagreresulta sa mababang bilang ng mga batang pumapasok dahil napipilitan silang manatili sa kani-kanilang bahay dahil na rin sa hindi sapat na pondo ng paaralan na kung saa’y hindi nila kayang makapagtayo ng matitibay at ligtas na paaralan. Ang iba nama’y malalayo ang paaralang pinapasukan lalung-lalu na sa mga pook-rural. Ayon sa imbestigasyon, sa bansang Mali, ayon kay Birdsall kalahati ang
nagsabing ang paaralan ay masyadong malayo, nagbibigay dahilan sa kanila na hindi pumasok.
Kaugnay sa Literatura
Isa rin namang dahilan ang gastos. Ayon sa UNICEF, tinatayang 121 milyong bata ay hindi pumapasok sa paaralan upang magtrabaho sa bukid o kaya nama’y sa bahay. Minsan kasi, hindi kayang suportahan ng kani-kanilang mga magulang ang pagpapaaral sa kanila dahil na rin hindi kasya ang kinikita nila sa paaralan.
Edukasyon ay napakahalaga sa pagpuksa sa pandaigdigang kahirapan. Sa pamamagitan ng edukasyon, napapalawak ang oportunidad sa hanapbuhay, pagkakaroon ng mataas na sahod at napapabuti ang kalusugan ng mga bata dahil may mga inilulunsad na mga programa upang ukol dito. Sa mga lugar na kung saan mayroong mabuting kwalidad ng edukasyon, bumababa rin ang paglaganap ng HIV/AIDS at may malusog na komunidad. At mababa rin ang bilang ng mga krimen, maunlad na ekonomiya at maayos na serbisyong sosyal.
Mayroong tinatayang 300 milyong batang nagugutom sa buong mundo. Isandaang milyon sa kanila ay hindi nag-aaral at 2/3 nito ay babae. Ayon sa World Food Programme, ang pagkain ay umaakit sa mga batang nagugutom na pumasok sa paaralan kaya nama’y nararapat lamang na maglusad ng school feeding program sa mga paaralan upang itawid sila sa kahirapan at pagkagutom. Makatutulong din ito sa mga batang dumaranas na malnutrisyon dahil sa kakulangan sa pagkain.
Ayon sa Bureau of International Labor Affairs, sa Lapu-Lapu City, naglunsad ang DECS ng “school-based work-study program” na kung saan ang mga batang naghahanapbuhay ay nabibigyan pa rin ng pagkakataong makapag-aral. Nakakatulong ang programang ito upang mailayo ang mga bata sa aksidente dala ng kanilang hanapbuhay at mabawasan ang bilang ng dropouts.
Ayon sa Department for International Development, may mga kadahilanan kung bakit may mga bansa na mas mataas ang bilang ng nag-aaral sa iba pang bansa. Una, mas mataas na sahod, mas mataas na pondo ng gobyerno na inilalaan sa edukasyon, mataas na bilang ng babaeng pinagbibigyan ng pagkakataong magtrabaho
.
Kabanata III
Disenyo At Paraan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga datos na nakalap at nailikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan tungkol sa ugaling pagliban ng mga estudyante tuwing araw ng biyernes sa paaralan ng CNHS. Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng Descriptive Survey Research Design na gumamit ng talatanungan upang makalikom ng mga sapat na datos na kinakailangan sa pananaliksik. Kami ay naniniwala na ito ang angkop na desenyo para sa paksang ito , sapagkat bukod sa mas napapadali ang paglikom ng datos ay nakatutulong din ito upang maunawaan talaga namin ng lubusan ang malalim nilang dahilan.
Respondente
Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay, Tatlumpong (30) piling mag-aaral mula sa ika-pitong baitang, dalawampung(20) piling mag-aaral mula sa ikasampung baitang, at tatlumpong(30) piling mag-aaral mula sa ikalabing isang baitang,labin limang (15) kababaihan at labin limang (15) kalalakihan mula sa mataas na paaralan ng Cardona National High School.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang instrumentong gagamitin upang makalakap ng datos ay ang surbey, at ang mga mag-aaral sa mataas na antas na paaralan ng Cardona mula sa iba’t ibang baitang ang siyang magiging paksa ng surbey.
Tritment ng mga datos
Ang gagamiting Tritment ng mga Datos sa pananaliksik na ito ay ang Mean at ang bilang ng lalaki o babae na lumiliban sa klase mula sa iba’t ibang baitang upang makuha ang ninais na detalye at impormasyon ng mga mag-aaral tungkol sa ugaling pagliban ng mga estudyante tuwing araw ng biyernes sa paaralan ng CNHS.
Kabanata IV
Paglalahad , Pagsusuri At Pagpapahalaga ng Mga Datos
Madalas ka rin bang lumiban sa klase tuwing araw ng biyernes?
Tugon/Sagot Lalaki Babae Total
Oo. 24 13 37
Hindi 29 23 52
Batay sa talahanayan dalawamput apat (24) sa limangput tatlong (53) lalaki ang nagsabe na maging sila ay kadalasan din lumiliban sa klase tuwing araw ng biyernes at dalawamput siyam (29) naman sakanila ang itinanggi ang pagliban. Sa kababaihan naman ay labingtatlo (13) sa tatlumput anim (36) ang umamin na maging sila ay lumiliban din sa klase at dalawamput tatlo (23) naman ang hindi madalas lumiban.Kung susumahin ang datos ay mas mataas ang bilang ng mga estudyanteng hindi madalas lumiban sa klase na may bilang na limangput dalawa (52) kaysa sa tatlumput pitong (37) estudyante na madalas na lumiliban sa araw ng biyernes.Ang datos ay nalikom sa tatlong iba’t ibang hanay mula sa ikapitong baitang. Mula sa ikapitong baitang hanay berde labing dalawang (12) babae at labing siyam (19) na lalaki na may sumatotal na bilang tatlumput isa (31). Gayundin mula sa hanay pula na may bilang na labing tatlong (13) lalaki at labing siyam (19) na babae na may total na tatlumput dalawa (32). Huli naman ang hanay asul na may bilang na labing isa(11) na babae at labing limang lalaki(15) na sumatotal na dalawamput anim (26).
Nasubukan mo na bang mapagalitan nang dahil sa pagliban sa klase?
Tugon/sagot Lalaki Babae Total
Oo 10 7 17
Hindi 5 8 13
Batay muli sa talahanayan ay iminumungkahi na sampu(10) sa labinlimang(15) lalaki ang naranasan ng mapagalitan dahil sa pagliban sa klase at tanging lima(5) lamang ang nagsabe ng hindi. Sa kababaihan naman ay pito(7) sa labinlimang (15) mag-aaral ang nagsabe ng narasan narin ang mapagalitan at walo(8) ang nagsabing hindi. Sumatotal ay mayroong labinpitong(17) sa tatlongpong(30) mag aaral na mula sa ikasampung baiting seksiyon ruby ang nagsasabing naranasan nang mapagalitan ng dahil sa pagliban sa klase samantala naman at labingtalo(13) ang nagsasabing hindi pa napapagalitan dahil sa pagliban sa klase. Kung susumahin ang datos ay mas madalas na mapagalitan ang mga kalalakihan na mapagalitan ng dahil sa pagliban sa klase siguro ay dahil narin ito sa kanilang pananagutan na tumulong sa kanilang magulang.
Alam mo ba ang negatibong epekto ng pagliban sa klase?
Tugon/Sagot Lalaki Babae Total
Oo 15 13 28
Hindi 11 7 18
Ayon sa talahanayan ay labing lima(15) na lalaki ang alam ang negatibong epekto ng pagliban at labing isa (11) naman ang hindi alam. Sa kabilang banda naman ay labing tatlo (13) ang may alam ng negatibong epekto nito at pito(7) naman ang hindi alam. Sa kabuohan ay mayroong dalawamput walo (28) sa apat na put- anim (46) na mag-aaral mula sa ikalabing isang(11) baitang ang may alam at labing walo (18) naman ang hindi alam. Ayun sa datos ay mas higit na may alam ang mga kalalakihan sa kung ano man ang negatibong epekto ng pagliban sa klase na may bilang na labing lima (15) kaysa sa mga kababaihan na may labing tatlo(13) lamang ang nakakaalam. Ang datos ay nilikom mula sa ikalabing isang (11) baitang na mula sa hanay ng Enrenreich na hahati sa tatlong kurso ito ay ang ( HUMSS,ABM,at STEM).
Kabanata V
LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
LAGOM
Ang pananaliksik na ito tungkol sa ugaling pagliban ng mga estudyante tuwing araw ng biyernes sa paaralan ng CNHS. Napili namin ang paksang ito upang maging kami ay magkaroon din ng kaalaman sa kung ano nga ba ang dahilan ng madalas nilang pagliban sa klase at upang makatulong din kami sa kapwa namin mag aaral na mapursigi namin sila na magpatuloy at iwasan ang pagliban upang kapwa namin maabot ang rurok ng tagumpay.
KONKLUSYON
Batay sa aming pagsasaliksik sa iba’t ibang dahilan ng mga mag aaral ay natukoy namin ang kahalagahan ng edukasyon sa buhay. Natalakay ang paghahanap-buhay ng mga estudyante kaya sila ay lumiliban sa klase. Kagaya ng pagtatrabaho nila sa bukid at sa maging sa kanilang tahanan,minsan din ay ang kakulangan ng pera ng mga magulang upang matugunan ang hustong pangangailangan ng mga anak kaya mas pinipili na lamang ng nga estudyante na lumiban upang makakuha ng pantustus sa pang araw araw na pangangailangan. Kung mapapansin din sa aming, isinagawang surbey ay mapapansin mas madaming estudyanteng babae at lalaki ang kadalasang lumiliban sa klase at napagalitan ng dahil sa pagliban sa klase gaya nang labing-tatlo (13) sa dalawampung(20) mag-aaral mula sa ikasampung baitang ng CNHS. Isa lamang yan sa malaking proweba na laganap na ang pagliban sa paaralan kaya ito ang napili namin ang paksang ito dahil makakatulong ito sa kanila upang magkaroon sila ng sulat-gabay o sa tuwing mababasa nila ang pananaliksik na ito ay magkakaroon sila ng dedekasyon upan mag-aral ng mabuti.
REKOMENDASYON
Binigyan puna ng aming pananaliksik ang kaugaliang pagliban ng mga mag aaral tuwing araw ng biyernes sa paaralan ng CNHS. Binigyan namin ng pansin ang mga dahilan at kung ano ang maaari naming magawa upang makatulong sakanila, maaari namin silang hikayatin na pumasok araw-araw,gayundin gagawin namin silang kaibigan dahil madalas sa mga dahilan ng pagliban ay ang kawalan ng kausap sa loob ng silid-aralan kayat kung minsan ay nawawalan na ang mga ito ng gana para pumasok,pangalawa ay pagbubutihin namin ang paggabay sa kanilang pagpili ng kaibigan sa loob ng paaralan sapagkat mayroong dalawang klase ng kaibigan ito ay ang mabuting kaibigan at masamang kaibigan. Gagabayan namin sila sa kanilang dapat kaibiganin dahil ang masamang kaibigan ay hahatakin lamang sila na gumala at kung saan-saan magpunta kadalasan pa ay hindi pumapasok at nagcucutting classes ang mga ito kaya’t bilang mananaliksik ay ilalapit namin sila sa mga mabuting kaibigan upang makatulong din ang mga ito sakanila. Lalo na ang mga kaklase naming respondente sa pananaliksik bilang kamag-aral nila ay sama sama naming itataguyod ang isa’t isa pagdating sa pag-aaral kaya’t kagaya namin ay nariyan din ang DepEd na patuloy na gumagawa ng mga batas, programa at mga proyekto sa pagpapabuti ng kwalidad ng edukasyon dito sa ating bansa. Naglunsad din ang gobyerno ng mga reporma para sa maayos na pagtuturo ng mga guro tulad ng pagbibigay ng training, atbp. Ika nga “Edukasyon ang susi sa ating tagumpay”, kaya nama’y nararapat lamang na bigyang pansin ang edukasyon ditto sa ating bansa upang unti-unting mabawasan ang kahirapan ating nararanasan at magkaroon ng magandang kalusugan.
REFERENCES
https://www.unicef.org/philippines/education.
https://www.dol.gov/agencies/ilab
https://www.google.com/search?q=Department+for+International+Development&rlz=1C1CHBF_enPH885PH885&oq=Department+for+International+Development&aqs=chrome..69i57.526j0j4&sourceid=chrome&ie=UTF-8
https://www.gov.uk/government/organisations/department-for-international-development
https://www.google.com/search?q=world+food+programme&rlz=1C1CHBF_enPH885PH885&oq=World+Food+Programme&aqs=chrome.0.0l8.390j0j4&sourceid=chrome&ie=UTF-8
https://www.jobstreet.com.ph/en/companies/494998-united-nations-world-food-programme/reviews?utm_campaign=c:dsa_all:20180701&utm_source=google&utm_medium=cpc&utm_content=dsa-1&utm_term=&pem=google&gclid=Cj0KCQiAmsrxBRDaARIsANyiD1rbRFUXtcQJ4pnTFeRQENAxDCw-5yJLvVhpFU-eWd7hdx2I5KzzfpEaAqt0EALw_wcB
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete